PAMILYA 

                                                               By MarkLeiner Miranda

 Ang PAMILYA ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang isang pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa twing may problema at dito rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa kapag may dumadating na problema. Ang ibang kabataan ay napapariwara ang buhay sa kadahilanang ang pundasyon ng kanilang pamilya ay mahina at walang pag kakaisa. Ang mga kabataan na galing sa broken family ay nasisisira ang kanilang buhay sapagkat nagrerebelde sila at natututo rin silang gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Pero hindi lahat ng mga kabataan na galingbsa broken family ay napapariwara ang buhay, ang iba ay ginagamit itong inspirasyon sa buhay para maging matagumpay sila sa kanilang mga pangarap. Mahalaga ang pamilya dahil sila ang mas higit na nakakaintindi sa atin sa mga panahong wala tayong masasandalan sa panahon ng puro problema lang ang dumarating sa buhay. Ang kahalagahan ng buong pamilya na ito ay kayang mong humarap sa mundo na buo ang iyong pagkatao dahil sa pamilya at masaya ang may buong pamilya.

Comments